97
abante crime kill
Mar 6, 2020 @ 15:57
By

Lalaki kinatay ang 2 anak bago nagpakamatay

Hinihinalang pinatay ng isang lalaki ang kanyang dalawang anak na menor de edad bago ito nagpakamatay naman sa pamamagitan ng pagbibigti sa Lipa City noong Miyerkules, Marso 4.

Batay sa report ng Lipa City police, natagpuan ng mga kaanak ang wala ng buhay na katawan ng mga biktima sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Sto. Toribio.

Kinilala ang mga nasawi na sina Virgilio at ang dalawang anak nito na sina Prince, 8, at Prince Savier, 6.

May mga tama ng saksak at taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang bata samantalang nakabitin naman sa kisame ng bahay ang tatay gamit ang lubid.

Ayon sa mga kaanak, naging problemado at tinamaan ng depresyon ang tatay mula nang umalis ang ina ng mga bata at sumama sa ibang lalaki.

Hindi naman akalain ng mga kaanak na magagawa ito ng tatay sa kanyang mga anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?