117

Jan 1, 2018 @ 16:33

Lalaki kalaboso sa indiscriminate firing sa Malabon

Inaresto ng mga awtoridad ang isang 48-anyos na dentist assistant matapos na ireklamo ng kanyang kapitbahay sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa Malabon nitong Bagong Taon.

Nakilala ang suspek na si Jeric Busto, Alyas Doc, nakatira sa Orange Road, VMN Compound, Barangay Potrero

Sa kuwento ng nagreklamong si Danilo Ramos, 29, nangyari ang insidente 1:30 ng umaga sa kanilang lugar sa VMN Compound

Ipinagdiriwang umano nila ang Bagong Taon nang bigla na lamang mapaputok ng baril ang suspek na hindi alintana kung sino ang matatamaan.

Nilapitan ni Ramos ang suspek na huwag magpapaputok dahil muntikan nang mataaman ang kanyang anak subalit sa halip na makinig, pinagbantaan pa siya nitong babarilin.

Dahil patuloy pa rin sa pagkalabit ng gatilyo ng kanyang kalibre 45, agad nagsumbong si Ramos sa mga pulis na nagresulta sa pagkadarakip nito.

Hindi naman narekober ng mga pulis ang baril na ginamit ng suspek sa pagpapaputok.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?