115
ABANTE mrt lalaki magallanes
By

Lalaki, itinumba sa ilalim ng MRT station

Hindi masasakyan kundi kamatayan ang dumating sa isang hindi pa nakikilalang lalaki sa Makati City hatinggabi kanina.

Ayon sa isang testigo, tila naghihintay lang ng masasakyan sa ilalim ng Magallanes MRT Station ang lalaki nang huminto sa kanyang harapan ang dalawang motorsiklo na may sakay na apat na lalaki.

Kasunod nito ay pinagbabaril na ang biktima, na agad nalagutan ng hininga.

Nang matiyak na patay na ang lalaki ay tumakas na ang mga salarin patungo sa bahagi ng Arnaiz Avenue (Pasay Road).

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang anim na basyo mula sa .9mm na baril. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?