58

Oct 12, 2017 @ 17:24

Lalaki itinumba sa harap ng GF

Isang lalaki ang pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang salarin sa harapan pa mismo ng kanyang habang nagtatalo Miyerkules ng gabi sa Malabon.

Batay sa imbestigayon ng pulisya, alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa tapat ng Hulong Duhat Market na matatagpuan kahabaan ng Women’s Club Street, Barangay Dulong Duhat ng nasabing lungsod.

Magkasama ang biktmang si Enrico Bernal, 33 anyos, tricycle drive at nobya nitong si Ethelin Suay na nagtatalo ng oras na habang papauwi sa kanilang bahay.

Ilang saglit lang nang dumating na ang isang lalaki na may bitbit nang kalibreng baril.

Habang nagtatalo ang dalawa, lumapit ang suspek at biglang pinaputukan ang biktima ng tinamaan ng dalawang beses sa ulo.

Tumakas ang suspek patungo sa ilog na binabaybay ang pa- Barangay Tanza, Lungsod ng Navotas. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?