16
cigar1
By

Lalaki huli sa yosi, kulong sa droga

Sharing is caring!

Sinita ang isang lalaki dahil sa paninigarilyo sa kalsada ngunit nang kapkapan ay droga at balisong ang nakuha, kahapon ng madaling-araw sa Marikina City.

Nahaharap sa patung-patong na kaso kabilang na ang paglabag sa City Ordinance, illegal drugs act at Omnibus Election Code sa pagdadala ng patalim ang suspek na si Raymond Dotig y Tamonan, walang trabaho, nasa hustong gulang at residente ng Marikina Heights.

Batay sa report, sinita ang suspek bandang alas-tres ng madaling-araw sa kahabaan ng Champagnat St., cor. Narra St., sakop ng Barangay Marikina Heights, ng mga tauhan ng PCP 9 na nagpapatrolya sa nasabing lugar.

Mahigpit kasing ipinagbabawal ang paninigarilyo sa nasabing lugar kaya ito sinita ng pulisya at nang hanapan ng ID ay nahulog ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu kaya agad na kinapkapan ang suspek at doon na nakita ang isang balisong sa kanyang pantalon.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Marikina detention cell habang inihahanda ang mga kaso laban sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?