60
jailed1

Lalaki huli sa bomb joke sa MRT

Inaresto ng mga sekyu ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang isang lalaki makaraang tumangging magpa-check ng bag at sinabing wala siyang dalang bomba kaninang umaga sa Shaw Boulevard Station sa Mandaluyong City.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, pumasok ang hindi na pinangalanang lalaki sa Shaw Boulevard Station bandang alas-10:30 ng umaga ng Enero 12 at nang sisiyasatin na ang bag nito ay agad nagsalita na wala siyang bomba kaya dinampot ang suspek at dinala sa police detachment.

Nabatid na tila nagmamadali ang suspek at nairita sa ginagawang inspeksyon ng mga nakatalagang security guard at pabirong sinabi nito na wala siyang bomba at dahil sa mahigpit na ipinagbabawal ang bomb joke ay agad na hinuli ang suspek.

Sa kasalukuyan, pinaiiral ang Presidential Decree 1727 o kilala sa tawag na Anti-Bomb Joke Law at ang lumabag dito ay may parusang pagkakabilanggo ng hindi hihigit sa limang taon o multa na hindi lalagpas sa P40,000. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,