35
Valenzuela Holdaper Pulis
By

Lalaki hinoldap sa tapat ng bahay, motorsiklo tinangay

Sharing is caring!

Hindi lang hinoldap kundi tinangay pa ng mga kawatan ang motorsiko ng isang binata sa tapat ng kanilang bahay sa Navotas, Sabado ng gabi.

Sabi ng biktimang si Reynaldo Guisansana, 26, nangyari ang insidente alas-9:00 ng gabi sa harap ng kanilang bahay sa Road 10, Barangay North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing lungsod.

Ayon kay Reynaldo, kararating lang niya at ipaparada ang kanyang motorsiklo sa gilid ng kanilang bahay nang lapitan ng isa sa dalawang suspek at tinutukan ng baril sa likod sabay deklara ng holdap.

Nang makuha ang wallet at cellphone, kinuha naman nito ang susi ng motorsiklo.

Tumakas ang dalawang suspek sa katimugang bahagi ng Road 10.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?