284

Oct 19, 2021 @ 14:27
By

Lalaki hinawla ulo para tigil yosi

Sa sobrang determinado ng isang lalaki na tumigil sa paninigarilyo, nagsuot siya ng hawla sa kanyang ulo.

Ayon sa LADbible report, dalawang dekada nang naninigarilyo si Ibrahim Yucel, 42-anyos, mula sa Kutahya, Turkey.

Naging inspirasyon daw niya ang mga motorbike rider at gumamit siya ng 130 talampakang alambreng tanso upang makagawa ng sarili niyang “helmet”, na katulad ng kulungan ng ibon.

Pero hindi tulad ng helmet na nahuhubad, nakakandado ang kanyang “helmet” kung saan ibinigay niya ang susi nito sa kanyang pamilya.

Kaya raw ubusin ni Yucel ang dalawang pakete ng sigarilyo sa loob ng isang araw buhat noong 16-anyos siya.

Nagdesisyon si Yucel na tumigil sa pagyoyosi nang mamatay ang tatay niya dahil sa cancer sa baga.

Kada umaga pumapasok sa trabaho si Yucel at sinusuot ang kanyang “helmet”, at iniiwan ang susi nito sa kanyang asawa at mga anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?