82

Jan 3, 2018 @ 15:29
By

Lalaki hinambalos ng bato sa ulo, patay!

Wala pang pagkakakilanlan ang isang lalaking natagpuang patay sa isang kalsada sa Baseco Compound, Port Area sa Maynila kanina.

Sa inisyal na pagsusuri ng mga otoridad ay isang kuliglig driver ang biktima dahil sa nakitang tali na posibleng gamit sa pagpapaandar ng kuliglig.

Basag ang mukha at bungo ng lalaki. Makikitang nakadagan sa kaliwa nitong braso ang isang malaking bato na mayroong bakas ng dugo. Hinihinalang ito ang ginamit sa pagpatay sa biktima.

Sinasabing nagkaroon ng rambol sa lugar at makikitang nagkalat ang mga bubog ng basag na bote sa paligid ng biktima.

Isa sa mga tinitingnang anggulo ng mga otoridad ang posibilidad na nadamay lamang ang biktima sa gulo. Ngunit hindi rin nila isinasantabi ang posibilidad na kasama sa riot ang lalaki. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?