99
Carwash boy
By

Lalaki binaril ng kainuman sa ari, tigok

Patay ang isang lalaki matapos siyang barilin sa ari ng kainuman sa Camarines Norte.

Ayon sa ulat, nag-iinuman ang biktimang si Camagong Dupile at suspek na si alyas Rodelio sa Brgy. San Lorenzo, Sta. Elena Biyernes ng hapon nang magtalo ang dalawa.

Dito na naglabas ng hindi pa batid na baril si Rodelio at pinaputukan ang ari ni Dupile.

Naitakbo pa si Dupile sa Rosary of Virgin Mary Hospital pero idineklarang dead on arrival.

Samantala, pinaghahanap pa ang suspek sa kasalukuyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?