44

Dec 11, 2017 @ 12:38

Lalaki arestado nang bumalik sa resto na kanyang hinoldap

Kalaboso ang isang lalaki matapos bumalik at kumain sa fried chicken restaurant na kanyang hinoldap sa Bronx, New York.

Nakilala ang suspek na si Christopher Schlosser, 21. Inaresto siya ng mga pulis sa habang kumakain sa Texas Chicken and Burger sa Brook Avenue, Mott Haven, Bronx.

Bago ito, tumawag ang isang crew ng resto sa 911 matapos niyang makilala ang suspek habang nag-o-order ito.

Kinasuhan si Schlosser ng robbery. Una niyang pinagnakawa ang restaurant noong July 27 kung saan tumalon ito sa counter at kinuha ang ilang tray na fried chicken at mga biscuits.

Matapos mapuno ang kanyang bag ng pagkain, mabilis itong umalis na restaurant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?