54

Sep 26, 2020 @ 22:00
By

Lalaki araw-araw lumantak ng candy, patay

Nauwi sa kamatayan ang pagkahilig ng isang lalaki sa candy.

Sa ulat ng NY Daily News, mahigit isang bag ng kending black licorice ang mineryenda ng biktima araw-araw.

Isang 54-anyos na construction worker ang biktima, na mula sa Massachusetts.

Ayon sa report na na-publish sa New England Journal of Medicine noong Miyerkoles, namatay ang construction worker noong nakaraang taon matapos huminto sa pagtibok ang kanyang puso nang bumaba ang nutrients niya sa katawan matapos lumantak ng isa’t kalahating bag ng naturang candy araw-araw.

Nag-collapse siya sa isang fast-food restaurant at nang ma-revive ay pumanaw din kinabukasan.

Lumabas na bumaba ang potassium count niya at nakaranas ng heart rhythm.

Ang problema sa black licorice ay ang sangkap nitong glycyrrhizic acid, na nagdudulot umano ng delikadong pagbaba ng potassium at imbalances sa electrolytes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?