173

Dec 14, 2017 @ 18:14
By

Lalaki, agaw-buhay sa riding in tandem

Agaw-buhay ang isa lalaki matapos umatake na naman ang riding in tandem sa Navotas City kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Navotas City Police, alas-4:25 ng hapon naganap ang insidente sa kahabaan ng Block 28, Phase II, Barangay North Bay Boulevard South.

Naglalakad ang biktimang si Leo Mandac, 40-anyos, ng Adante St., Barangay Tanong, Malabon, nang harangin ng mga suspek at pagbabarilin.

Sakto namang may napadaan na mga barangay tanod at narinig ang mga putok ng baril kaya’t nagtungo sa pinanggalingan nito.

Nakita nila ang nakahandusay nang biktima at kanilang isinugod sa Tondo Medical Center na kasalukuyan pang isinasalba ang buhay habang nakatakas naman ang mga salarin. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?