27
Kritikal
By

Lalaki, agaw-buhay nang tagain sa ulo ng mga nakainuman

Sharing is caring!

Kritikal ang lagay ngayon ng isang lalaki nang tagain sa ulo ng kainuman nito sa Caloocan City kaninang madaling-araw.

Sa ulat ng Caloocan Police, alas- 2:15 ng madaling-araw, rumoronda sa eskinita sa Reparo Street, Barangay 142, Bagong Barrio ang mga tauhan ng barangay na sina Charlie Tela at Harlem Medina nang madaanan si Arnel Ramos, na pilit na bumabangon mula sa pagkakabulagta at may malaking sugat sa ulo at katawan.

Isinugod nina Tela at Medina sa Caloocan City Medical Center si Ramos kung saan sinabi umano sa kanila na nakaaway ng biktima ang mga nakainuman niya at tinaga siya.

Kinilala niya ito sa mga alyas na Roy at Eric.

Hindi na naikuwento ni Ramos ang pinag-ugatan ng away dahil nawalan na ito ng ulirat.

Sa ngayon ay patuloy pa ring inoobserbahan ang kalagayan ng biktima habang inaalam na ang tunay na pagkakakilanlan ng dalawang nabanggit ng biktima na nanakit sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?