108

By

Lalakeng umilag sa checkpoint, nakipagbarilan sa MPD, patay

Sharing is caring!

Isang hindi nakilalang lalake ang patay matapos na maka-engkwentro ang mga kagawad ng Manila Police District (MPD) madaling araw ng Biyernes.

Ayon sa hepe ng Arellano Police Community Precinct na si Police Chief Inspector Paul Sabulao, iniwasan ng grupo ng suspek na sakay ng dalawang motorsiklo ang kanilang checkpoint sa kanto ng P. Ocampo at Arellano kaya hinabol nila ito.

Nang abutan ang grupo sa kanto ng Estrada at Taal St., pinutukan nito ang mga pulis na gumanti naman ng putok sa mga suspek.

Bumulagta ang isa sa miyembro ng grupo habang tumakas naman ang apat nitong kasamahan.

Naka-suot ng kulay asul na pang itaas at grey na short ang nasawing suspek na nakuhanan din ng baril.

Ayon kay Chief Inspector Sabulao, posibleng kasama ang mga naka-engkwentro nila sa grupo na nangho-holdap sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?