13

Feb 2, 2021 @ 17:33
By

Lalabag sa Child Car Seat Law ‘di muna huhulihin – Palasyo

Lalabag sa Child Car Seat Law ‘di muna huhulihin – Palasyo

Binigyang-konsiderasyon ng gobyerno ang mga motorista ng mula tatlo hanggang anim na buwan bago hulihin at tiketan ang mga hindi susunod sa Republic Act no.11229 o Child Safety in Motor Vehicle Act na epektibo na ngayong Pebrero a dos.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na naintindihan ng gobyerno na mahirap ang pinagdadaanang buhay ngayon ng mga Pilipino dahil sa COVID pandemic kaya nagpasyang wala munang manghuhuli sa mga wala pang car seats.

” ng buhay kaya naman po nangako ang Department of Transportation (DOTr) na hindi po muna sila manghuhuli doon sa mga wala pang car seats,” ani Roque.

Bibigyan aniya ng pagkakataon ang mga may-ari ng sasakyan na makaipon ng pambili ng car seats pero kapag natapos ang extension ay magiging ganap na epektib na ang batas.

Ipinaliwanag ni Roque na naintindhan naman ng gobyerno ang sitwasyon sa ngayon kaya kung hindi pa kayang bumili ay hindi muna huhulihin ang mga walang car seat para sa mga bata.

“Diyan sa batas na yan, mayroong one year period para hindi muna maimplement yan at para mabigyan na rin ng pagkakataon na makaipon at makabili ng car seats. Eh kung hindi pa ma-afford, hindi pa rin muna manghuhuli. Ito po ang commitment ng DOTr,” dagdag ni Roque.

Nakapaloob sa ilalim ng batas na lahat ng mga batang edad dose pababa ay kinakailangang magkaroon ng car seat para sa kanilang kaligtasan habang bumibiyahe sa pribadong sasakyan

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?