19
alvarez abante government
By

Lakwatsa, dati pang bawal sa mga kongresista – Alvarez

Sharing is caring!

Tiniyak ng liderato ng kamara ang istriktong rules sa pagbiyahe ng mga kongresista sa ibang bansa.

Ito’y sa gitna nang paghihigpit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng gobyerno sa biyahe-abroad.

Ayon kay Speaker Pantaleon Alvarez, nauna nang naghigpit ang kamara kung kaya’t bawal bumiyahe ang mga miyembro kapag may sesyon ang Kongreso.

Sinabi ni Alvarez na kailangan ding magpaalam bago payagang bumiyahe kung saan man ang isang kongresista.

Nakasaad sa travel authority kung saan ang destinasyon, ano ang pakay at kung sino ang kasamang bibiyahe.

“May mga official invitations kasi sa ibang bansa na ipinapaabot sa amin at halimbawa, yung isang delegation… madalas naman doon, ang sagot lang natin ay yung pamasahe. Pagdating po doon, yung accommodation sagot na ng ibang bansa,” paliwanag ni Alvarez.

Pero kapag personal anya ang lakad ay sariling gastos na ito ng isang mambabatas. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?