josh
By

Lakers tinalo ang Clippers sa tulong ni Josh Hart

Sharing is caring!

Nagtala ng career high 30 points at 7 3-pointers si Josh Hart sa paggapi ng Los Angeles Lakers sa Clippers, 115-100, Miyerkoles ng gabi.

Nagdagdag din si Gary Payton II ng career-best 25 points off the bench sa pagtalo ng Lakers sa kapwa nila Staples Center tenant sa unang pagkakataon simula 2012.

Umabante ng siyam ang Lakers sa halftime at nabanat pa ito sa 22 points sa third, nang dumale ng 14 points si Hart, sa pamamagitan ng tatlong sunod na 3-pointers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?