28

Dec 30, 2017 @ 17:49

Lakers sumadsad sa limang sunod na talo kontra Clippers

Natangay ng Los Angeles Clippers ang kanilang back-to-back wins habang dinagdagan ang talo ng Los Angeles Lakers sa limang sunod, 121-106, nitong Biyernes (Sabado, Manila time).

Umiskor ng 24 points si Blake Griffin na naglaro ng unang beses ngayong buwan dahil sa injury sa tuhod.

Nanguna si Jordan Clarkson sa Lakers na nagtala ng 20 points na dinagdagan ng 18 ni Brandon Ingram.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?