45

Dec 27, 2017 @ 10:23

Lakers rookie Lonzo Ball, niregaluhan ang magulang ng mamahaling sasakyan

Niregaluhan ni Los Angeles Lakers rookie Lonzo Ball ang kanyang mga magulang ng isang Rolls-Royce na sasakyan nitong Pasko.

Nagkakahalaga ang Rolls-Royce Dawn ng $350,000 na binili ni Lonzo para sa kanyang ama at ina na sina LaVar at Tina bilang Christmas gift.

Hindi nakalaro si Lonzo ng Christmas Day game nila kontra Minnesota Timberwolves dahil sa iniindang sakit sa kaliwang balikat ngunit masaya pa rin niyang ipinagdiwang ang Kapaskuhan dahil sa naturang regalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?