40

Mar 3, 2018 @ 17:57

Lakers rookie Josh Hart nabali ang kamay, bangko ng 4-6 weeks

Hindi makakalaro ng apat hanggang anim na linggo si Los Angeles Lakers rookie Josh Hart matapos maoperahan ang bali niyang kaliwang kamay.

May natitira na lang na anim na linggo sa season ang Los Angeles (27-34) kaya’t hindi nila mamadaliin na makabalik agad si Hart, ayon kay coach Luke Walton.

Nabali ni Hart ang kanyang kamay sa praktis sa Miami noong Miyerkoles.

Nag-a-average ang first-round pick ng 6.6 points, 3.7 rebounds at 1.2 assists bilang regular na miyembro ng rotation ng Lakers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?