25

Oct 10, 2017 @ 11:56

Lakers rookie Ball out sa preseason

Mas malamang na hindi na maglaro sa buong preseason si Los Angeles Lakers rookie Lonzo Ball.

Inabot ng sprained ankle si Ball nang matapakan ang paa ni Denver Nuggets guard Emmanuel Mudia noong Lunes.

Hindi na naglaro si Ball laban sa Sacramento Kings nitong Linggo.

“I hope not, but yeah, that’s a possibility,” sagot ni Lakers coach Luke Walton nang tanuning ni Ohm Youngmisuk ng ESPN kung buong preseason nang iuupo si Ball.

Iba-iba daw ang kaso ng bawat player, kaya oobserbahan muna ang rookie. Hindi nila ito mamadaliin.

Umaasa si Walton na makakalaro ang UCLA product sa regular-season opener ng Lakers laban sa Los Angeles Clippers sa Oct. 19.

Si Ball ang No. 2 overall pick ng Lakers nitong June, magiging bahagi ng batang core ng team kasama sina Brandon Ingram, Jordan Clarkson, Larry Nance Jr. at Julius Randle.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?