45
views
ABANTE TNT lakers andrew bogut nba

Lakers pinakawalan na si Andrew Bogut

Sharing is caring!

Tuluyan nang iniwan ng Australyanong si Andrew Bogut ang Los Angeles Lakers, apat na araw bago magarantiyahan ang kanyang kontra.

Si Bogut ay orihinal na lumagda ng partially guaranteed deal noong Setyembre 19.

Naglaro si Bogut ng 24 sa Lakers, na may limang start, kung nag-average ito ng 1.5 points (.680 FG%), 3.3 rebounds at siyam na minutong sa floor

Pinakawalan ng Lakers si Bogut kasunod ng kahilingan ng huli na makahanap ng oportunidad na makasama sa isang playoff team.

Hindi nabigyan ng masyadong playing time si Bogut sa Lakers dahil mas madalas pang gamitin bilang backup center ng starter na si Brook Lopez ang power forward na si Julius Randle.

Dahil wala na si Bogut, mabibigyan ng pagkakataon na makalaro ang reserbang sentro na si Ivica Zubac.

Maghahanap ngayon ang Lakers na isang player para sa 10-day contract na punuan ang pag-alis ni Bogut.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: