6
ABANTE lakers vs spurs ingram

Lakers pinadapa ang Spurs para sa 3 sunod na panalo

Sharing is caring!

Umiskor si Brandon Ingram ng 26 points at nagtala naman si Lonzo Ball ng 18 points, 10 rebounds at six assist para padapain ng Los Angeles Lakers ang San Antonio Spurs 93-81 kanina.

Nagdagdag si Larry Nance Jr. 14 points at 10 rebounds para sa Lakers na nanalo ng season-best na tatlong sunod na panalo.

Napuwersa ng Lakers ang Spurs ng 20 turnover at pinigil ang kanilang pitong sunod na talo laban sa San Antonio.

Nagtala si LaMarcus Aldridge ng 20 points para sa Spurs na wala si small forward Kawhi Leonard na may injury sa balikat. May 18 points para sa Antioni si Bryn Forbes.

Kumana si Ingram ng 11 sa kanyang 21 tira at umiskor ng 20 sa tatlo sa apat nilang laro.

Nang-agaw ng bola ang Lakers ng 15 beses kung saan may limang steals si Kentavious Caldwell-Pope at apat naman kay Ball.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?