91

Jan 11, 2020 @ 16:56
By

Lakers panalo uli, Carlise nagliyab sa galit

Absent si Anthony Davis, inako ni Kyle Kuzma ang slot sa starting lineup at nakipagsabwatan kay LeBron James para ihatid ang Los Angeles Lakers sa 129-114 panalo kontra Dallas Mavericks.

Nagsumite si James ng 35 points at 16 rebounds, tumabo si Kuzma ng season-high 24 points, Biyernes ng gabi.

Maangas na inumpisahan ni James ang laro nang pangunahan ang Lakers sa pagpundar ng 22-point lead sa first half.

Hindi nakaporma si Luka Doncic sa player na inidolo niya habang lumalaki.

Sa sobrang pagkadismaya ng 20-year-old sophomore, napunit pa ang kanyang jersey.

Pati si Mavs coach Rick Carlisle, nag-init at na-eject matapos mapituhan ng pangalawang technical sa kaagahan ng fourth quarter.

Nagliyab ang galit ni Carlisle nang i-challenge ng Lakers ang out-of-bounds call sa throw in ng Dallas.

Nakapagsumite si Doncic ng 25 points at 10 rebounds pero pinunit ang jersey nang sumablay ang isa sa kanyang 11 misses.

Hindi naglaro si Davis nang mapasama ang bagsak sa 117-87 win kontra Knicks noong Martes.

Sa kabila, wala rin ang sidekick ni Doncic na si Kristaps Porzingis (knee). Namigay ng tig-7 assists sina Doncic at James.

Lumapit ang Mavericks 91-81 sa dulo ng third sa 3-pointer ni Tim Hardaway Jr., tumapos ng 23 points.

Muling nag-take charge si James sa fourth para ibalik sa 16 ang bentahe at hindi na nakapalag ang Dallas.

Sa init ng laro, natawagan si Dwight Howard ng flagrant foul nang isalya si Maxi Kleber 33 seconds pa lang pagpasok ng Los Angeles big man sa first quarter. Resulta ay five-point possession para sa Mavs na natapos sa goal tending call kay Howard.

Tinawag ang foul sa jumper ni Hardaway. Split si Hardaway sa line, pero dinamba ni Howard ang runner ni Seth Curry habang pababa ang bola. Nasungkit ni Howard ang fifth foul niya sa kalagitnaan ng third pero nakaipon na siya ng 10 points.

Na-technical din si Lakers coach Frank Vogel sa first half, pati si Kuzma sa third. (VE)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?