76

Nov 1, 2018 @ 15:50
By

Lakers nakaeskapo sa Mavericks, LeBron game-winner bumida

Nagpakaba pa ang Los Angeles Lakers superstar LeBron James nang mamintis ang unang free-throw sa kabila ng tablang iskor, 113-113, sa kanilang laban kontra Dallas Mavericks.

2.1 segundo ang natitira sa laban, pinukol ni James ang pangalawang free-throw dahilan upang makalamang ng isa ang Lakers, 114-113, at masukbit ang one-point win sa kanilang balwarte.

Tumapos ang four-time NBA MVP ng 29 puntos, limang rebound, anim na assist at tatlong steal sa loob ng 38 minuto.

Ang mga batang manlalaro ng LA na sina Lonzo Ball, Brandon Ingram at Kyle Kuzma ay nakapag-ambag ng pinagsamang 47 puntos, 15 rebounds at 11 assists.

Si Kuzma ay may 18 points kasahog ang walong rebounds, habang si Ingram ay may 17 markers naman.

Si Wesley Matthews naman ang top scorer ng Dallas na may 21 points, habang naging maganda ang tirada ng rookie na si Luka Doncic sa 14 puntos, pitong assists, at limang rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?