16

Jul 13, 2020 @ 16:36
By

Lakers muling nalagasan, Rondo out sa thumb injury

UNA si Avery Bradley, sunod naman si Rajon Rondo.

Muling nalagasan ang Los Angeles Lakers ng key player sa NBA bubble simula Hulyo 30 sa Disney World sa Florida.

Nagkaroon ng fracture sa right thumb si Rondo, ayon mismo sa koponan.

Mawawala ang 13-year playmaker ng anim hanggang walong lingo para sumailalim sa operasyon.

“Rajon Rondo sustained a fracture to his right thumb during Sunday evening’s practice in Orlando. He will undergo surgery to repair the fracture this week and is expected to return to full basketball activities in 6 to 8 weeks,” tweet ni Lakers reporter Mike Trudell.

May average si Rondo na 7.1 points, 5.0 rebounds at 3.0 assists kada laro ngayong 2019-2020 NBA season.

Pinili naman ni Bradley na hindi sumama sa Lakers sa NBA restart dahil sa takot sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?