88

Aug 16, 2019 @ 13:10
By

Lakers malas! Cousins injured na naman

Hindi makakasalang si DeMarcus Cousins sa pagsisimula ng 2019-20 season para sa Los Angeles Lakers.

Ayon sa report ng ESPN, dumanas ng injury sa kaliwang tuhod si Cousins habang nagwo-work out sa Las Vegas.

Torn ACL ang naging diagnosis sa tama ng big man, kasunod ang torn Achilles noong sumalang ito para sa Golden State Warriors noong nakaraang season.

Saad sa report, nangyari ang injury matapos tumama ang tuhod ni Cousins sa isang manlalaro habang nag-eensayo.

Pumirma ng 1-year, $3.5M contract si Cousins para sa Lakers, magiging starting center sana ng koponan kasama ang duo nina LeBron James at DeMarcus Cousins.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?