0
views

By

Lakers guard Lonzo Ball ooperahan sa tuhod

Sharing is caring!

Nakatakdang sumailalim sa arthroscopic surgery si Lakers guard Lonzo Ball.

Ayon sa anunsiyo ng kanyang team, ooperahan sa kanyang kaliwang tuhod si Ball sa Martes dahil sa torn meniscus.

Second overall pick ng Lakers si Ball noong nakaraang draft.

Nag-average siya ng 10.2 points at 7.2 assists sa una niyang NBA season.

Inaasahang magtatagisan sila ng galing sa point guard position ni Rajon Rondo matapos makipag-deal ang huli sa one-year, $9 million deal sa Lakers.

Makakasama ng dalawa sa Los Angeles ang powerhouse trio nina LeBron James, Lance Stephenson at JaVale McGee na napapayag din kamakailan ng Lakers na umanib sa kanila. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?