ABANTE lakers mavericks jordan clarkson 6

Lakers giniba ang Mavericks sa overtime, 107-101

Sharing is caring!

Tumapos si Julius Randle ng 23 puntos at 13 rebounds habang kumana ng lima sa kanyang 19 puntos si Fil-Am Jordan Clarkson sa overtime para pahabain ang panalo ng Los Angeles Lakers sa apat matapos payukuin sa overtime ang Dallas Mavericks, 107-101 kanina.

Nag-ambag si Kyle Kuzma ng 18 puntos at Kentavious Caldwell-Pope ay may 17 para sa Lakers. Angat ang LA sa Dallas sa rebounds 59-39.

Kumana naman si Dennis Smith Jr. ng 17 sa kanyang 23 puntos sa first half. May tig-17 puntos sina Harrison Barnes at Wesley Matthews at may 13

Dwight Powell para sa Mavericks para maputol ang kanilang dalawang sunod na panalo.

Nagbuslo ng 3 si Clarkson sa unang puntos sa overtime at nagdagdag pa ng isang jumper para sa limang puntos na kalamangn ng LA, dalawang minuto na lang ang natitira sa laban.

Dalawang puntos mula sa free throws ang naiskor ng Dallas para matalo sa laban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?