26

Nov 24, 2021 @ 14:53
By

Lakers ‘di nabuhat ni Westbrook, taob sa Knicks

Hindi sumapat ang triple-double ni Russell Westbrook at nangapa ang Los Angeles Lakers sa pagkawala ni LeBron James tungo sa 100-106 pagkabigo sa kamay ng New York Knicks ngayong Miyerkoles.

Tambak agad ang Lakers, 36-20, sa pagtatapos ng first quarter ngunit unti-unting dumikit bago kapusin sa dulo.

Kaya naman napunta sa wala ang 31 points, 13 rebounds at 10 assists na binuga ni Westbrook.

Hindi nakalaro si James bunga ng one-game suspension sa kanilang girian ni Isiah Stewart ng Detroit.

Nanguna naman para sa Knicks si Evan Fournier sa kanyang 26 points, habang may 20 points at 16 rebounds si Julius Randle at apat pa nilang kakampi ang umiskor sa double digits.

Nagdagdag naman si Anthony Davis ng 20 points para sa Los Angeles. (mjd)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?