21

Lakers debut ni James masasaksihan sa Portland

Sharing is caring!

Sa Oct. 18 unang mapapanood si Lebron James sa kanyang bagong uniporme ng Los Angeles Lakers sa kanilang laban sa Portland.

Pagkatapos ng dalawang, magiging host naman ng LA kontra Houston Rockets sa Staples Center.

Muli namang bibisita si James sa Cleveland kung saan makakalaban ng bago niyang team, ang Lakers sa Nov. 21.

Nailabas na ng NBA ang kumpletong regular season schedule nitong Biyernes.

Sa regular season tip off sa Oct. 16, bibisitahin ng Philadelphia ang Boston at Oklahoma naman sa Golden State.

Kakalabanin ng defending champion Warriors ang Houston sa Nov. 15, sapul nang talunin nila ito sa seven games Western Conference final.

Susubukan naman ng Toronto ang San Antonio sa Jan. 3, ang unang laro sa pagitan ng dalawang koponan sapul ang DeMar DeRoza at Kawhi Leonard trade.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?