16

Oct 18, 2020 @ 13:58
By

Lakers champion din sa lugi!

Marami man ang nagsasaya dahil sa muling pagsungkit ng Larry O’ Brien trophy ng Los Angeles Lakers makalipas ang isang dekada, ngunit hindi ibig sabihin nito’y panalo din ang California-based team sa pataasan ng kita.

Sa katunayan, ang Lakers pa nga ang pinakalugi sa lahat ng 30 koponan sa NBA dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa report ng The Athletic, sinaad na $694 million ang nawalang kita sa NBA matapos makansela ang 258 na regular season game matapos suspendihin ang mga laro noong Marso.

At sa naturang sitwasyon, Lakers ay may pinakamalaking lugi dahil 10 home games pa ang natitira sa kanilang mga laban, pinakamadami sa lahat ng koponan.

Tinatayang abot sa $52.7M na fan revenue ang lugi ng Lakers, malaking presyo kapalit ng kampeonato na ginawa sa NBA bubble sa Orlando, Florida.

Bukod sa Lakers, kasama din sa top 5 ng mga nalugi sa fan revenue ay ang New York Knicks ($45M), Golden State Warriors (42.5M), Houston Rockets ($35M) at Boston Celtics ($31.5M).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?