143

By

Lakers binalikat ni LeBron, Kings tinumba

Sharing is caring!

Tungtong sa .500 winning margin ang Los Angeles Lakers ng kanilang tigpasin ang Sacramento Kings, 101-86.

Umiskor si four-time NBA MVP LeBron James ng 25 puntos, habang nakakuha naman ng 12 rebounds ang kanilang bagong hugot na si Tyson Chandler.

Naging mabagal ang simula ng Lakers sa season, ngunit ngayon ay table na ang panalo sa talo, 6-6.

Alas ng koponan ni Luke Walton ang depensa, binakuran ang Kings sa kanilang ikalawang laro na mas mababa sa 100 ang iniskor.

Madali rin ang naging panalo para sa Lakers, na lumamang pa ng 20 puntos sa 4th quarter bago pormal na kunin ang ‘W’.

Para sa Sacramento, nagpasiklab si De’Aaron Fox na may 21 puntos, ngunit nanlamig na sa 2nd half. Naging malas rin ang Kings sa 6-of-25 sa three-point land.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?