43

Jan 2, 2018 @ 14:05

Lakers, 7 sunod na talo na matapos lapain ng Timberwolves

Umiskor si Jimmy Butler ng 28 points at pinangunahan ang Minnesota Timberwolves sa paglapa sa nangangapang Los Angeles Lakers 114-96.

Naitala ni Karl-Anthony Towns ang kanyang 30th double-double ng season sa kanyang 16 points at 13 rebounds para makuha ang Minnesota ang kanilang pangpitong panalo sa walong laro at 10 sa 13 laban.

Nag-ambag si Andrew Wiggins scored 21 points at 9 rebounds habang may 17 points si Gorgui Dieng off the bench.

Samantala, may 20 points Jordan Clarkson sa Lakers na natalo ng pitong sunod at 10 sa huling 11 laban.

Hindi pa rin naglalaro sa Lakers ang tatlong starters na sina center Brook Lopez (ankle), Kentavious Caldwell-Pope (legal) at Lonzo Ball (shoulder).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?