17

Oct 11, 2021 @ 14:00
By

Lake Himbang sa Agusan del Sur itinutulak na maging ecotourism site

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukala na gawing ecotourism site ang Lake Himbang sa Talacogon, Agusan del Sur.

Ang pag-apruba sa House Bill 10302 ay inendorso ng House Committees on Tourism at on Appropriations.

Sa ilalim ng panukala, gagawing prayoridad ng Department of Tourism (DOT) ang paglinang sa lugar.

Sa loob ng isang taon mula sa pagsasabatas ng panukala ay gagawa ang DOT at iba pang ahensya ng tourism development plan kasama ang pagtatayo ng mga imprastraktura at pasilidad na kailangan upang dumami ang mga turista na pumupunta sa lugar.

Ang pondo na kakailanganin ay isasama sa taunang budget ng gobyerno. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?