7

Oct 22, 2020 @ 19:32
By

Lakas ng signal! Pogoy, TNT 5-0 na sa bubble

Patuloy ang pagratsada ng TNT Tropang Giga sa 2020 PBA Philippine Cup kung saan nasungkit na nila ang ika-limang panalo at walang talo sa naturang conference.

Nitong Huwebes, muling nagpakitang gilas si Roger Pogoy na kumamada ng 20 points, kasama pa ang pitong rebounds at apat na assists para akayin ang TNT sa 109-96 victory kontra Blackwater Bossing.

Ito’y kahit hindi naglaro ang kanilang lead point guard na si Jason Castro dahil sa injury.

Tumulong naman sa scoring si Bobby Ray Parks Jr. na sumikwat ng 18 points at limang dimes.

Sa kampo naman ng Blackwater, si dating TNT player Don Trollano ang naging bright spot matapos kumolekta ng 23 points, seven boards at four assists.

Solo na sa tuktok ang TNT habang laglag naman sa 2-3 kartada ang Bossing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?