107

Mar 6, 2020 @ 18:55

Lakas mang-trip! Nambatac malutong ang mura kay Belga

Hindi nakapagpigil si Rain or Shine scorer Rey Nambatac at napamura dahil sa biro ng ROS big man na si Beau Belga.

Sa Instagram post ni Belga, makikita na binuhusan niya ng tubig ang papel na pini-fill-upan ni Nambatac.

Dahil dito’y napamura si Nambatac ng ‘put*ngina’.


Sey ni Belga, ang kanilang isa pang kakampi na si Sidney Onwubere ang nagsulsol sa kanya na pag-tripan si Nambatac.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?