73

Nov 15, 2021 @ 15:41
By

Lakas-CMD: VP bid ni Mayor Sara ‘di utos ni GMA

Nagsalita na ang partidong Lakas-CMD tungkol sa napabalitang pulong sa pagitan nina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at dating pangulo Gloria Macapagal-Arroyo sa Balesin island.

Umugong ang balitang nagpulong ang dalawa para pagplanuhan ang magiging desisyon ni Mayor Sara para sa 2022 elections.

Si Arroyo ay mataas na opisyal ng Lakas-CMD.

Ngunit paglilinaw ng partido, hindi impluwensya ni Arroyo ang dahilan kaya tatakbong bise presidente si Mayor Sara.

“The idea of her running as Vice President did not originate from Former President Gloria Macapagal Arroyo,” saad sa statement ng Lakas.

Hindi rin umano nagkaroon ng kahit anong pagpupulong sa pagitan ng dalawang panig.

Gayunman, todo-suporta pa rin ang partido sa ano mang posisyong tatakbuhan ni Mayor Sara sa 2022 elections.

Umanib ang alkalde sa Lakas-CMD matapos lisanin ang regional party na Hugpong ng Pagbabago.

Noong Sabado naman ay nagpadala si Mayor Sara ng kinatawan para ihain ang kanyang kandidatura sa pagkabise presidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?