976

Nov 11, 2021 @ 20:08
By

Lakas-CMD totodo kay Sara

Isang karangalan para kay Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang pagpili ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa kanilang partido na Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

Si Revilla ang chairman ng Lakas-CMD.

Nitong Huwebes nanumpa si Mayor Duterte kay Lakas-CMD president Ferdinand Martin Romualdez sa Revilla Farm sa Silang, Cavite ilang oras matapos magbitiw sa Hugpong ng Pagbabago.

“We are more than honored that Mayor Sara chose LAKAS as her national party. We have worked with Mayor Sara in the past, and in fact continue to be allies in coalition with her former local party – Hugpong ng Pagbabago,” hayag ni Revilla.

Tiniyak ng senador na todo ang suporta ng Lakas kay Mayor Duterte at sisikapin ang kanyang tagumpay.

“Mahaba na po ang kasaysayan ng LAKAS sa paglilingkod-bayan. Our Christian-Muslim-Democratic principles have guided our members in the past three decades, and we continue to build a proud legacy for the country.

“All out ang LAKAS sa anumang tatahakin ni Mayor Sara and we will work to assure her success and triumph, which will also be the success and triumph of the Party, of the nation, and of all Filipinos. Sara all!” saad niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?