40

Nov 20, 2021 @ 21:16
By

Lakas-CMD tataya pa rin sa senate bid ni Duterte

Nanatili umanong pambato sa senado ng Lakas-CMD si Pangulong Rodrigo Duterte, kahit pa sinabi nito na hindi siya makikipag-alyansa sa nabanggit na partido.

“Be that as it may, President Duterte is the top and still the only senator candidate in the list of Mayor Sara and Lakas-CMD, as of the moment,” saad ng partido.

Si Mayor Sara ay tatakbong bise presidente sa ilalim ng Lakas-CMD, kung saan binubuo ang tandem niya kasama si presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Matatandaang nitong Biyernes ay sinabi ni Duterte na isang ‘weak leader’ si Marcos.

Samantala, bukod naman sa pagiging vice presidential bet ay si Mayor Sara na rin ang chairman ng Lakas-CMD.

“The President’s opinion on an alliance with Lakas-CMD is nothing new. PDP’s rejection of the BBM-Sara tandem was already relayed to Lakas-CMD last week, and this was revealed by Mayor Inday Sara Duterte in her public statement on November 16,” dugtong pa ng Lakas-CMD.

Si Duterte naman ay tatakbong senador sa ilalim ng partidong PDDS, sa ilalim ng standard-bearer na si Senador Bong Go.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?