28

Nov 18, 2021 @ 17:09
By

Lakas-CMD pinamunuan na ni Mayor Sara

Pinangunahan ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte Carpio ang National Council Meeting ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) cmatapos nitong pormal na tanggapin ang chairmanship ng partido.

“Malaki at mahalaga ang ibinibigay na suporta ng partido sa akin upang matugunan ko ang hamon ng ating mga kababayan na sumabak sa pambansang politika,” sabi ni Carpio.

Sinabi ni Carpio na bilang mayor ay marami pa siyang nais na gawin sa Davao City pero “Hindi ko na po mahindian ang mga Pilipino. Hindi ko na po mahindian ang Pilipinas, kaya nagpapasalamat po ako sa pagtanggap ng Lakas-CMD sa akin.”

Sa pagpupulong ay ini-nominate ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., si Carpio upang pumalit sa kanya.

“Our chairman has graciously offered his position as Party Chair to Mayor Inday Sara Duterte. I move that we approve the nomination,” sabi ni House Majority Leader at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, pangulo ng Lakas-CMD.

Ini-nominate naman ni Romualdez si Revila bilang co-chair ng partido na inaprubahan ng mga miyembro.

Sinabi ni Romualdez na si Carpio ay nagsisilbing inspirasyon ng mga miyembro ng Lakas-CMD patungo sa halalan sa Mayo.

“We consider Mayor Sara as our guiding light, and there is no doubt that her leadership experience and heart for public service will lead Lakas-CMD to greater heights and broader horizons in the coming months,” sabi ni Romualdez.

Pinamunuan na ni Duterte ang pagpupulong ng National Council Meeting na nilahukan ng mga lider ng partido mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sumali si Carpio sa Lakas-CMD noong Nobyembre 11 at dalawang araw makalipas ay naghain ito ng certificate of candidacy sa pagkabise presidente.

Ang Lakas-CMD ay mayroong alyansa sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na nasa likod ni dating Sen. Ferdinand Marcos Jr. na tumatakbo sa pagkapangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?