77

Jun 23, 2021 @ 20:28
By

Lakas-CMD at HNP ni Inday Sara, sanib-pwersa

Inaprubahan ng mga miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ang isang resolusyon para sa pakikipag-alyansa nito sa Hugpong Ng Pagbabago (HNP) na pinamumunuan ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.

Sa isang National Executive Meeting ngayong Miyerkoles, inatasan din ng Lakas-CMD ang kanilang pangulong si House Majority Leader at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na pumasok sa alliance agreement sa HNP para sa 2022 national elections.

“Lakas-CMD believes that Hugpong ng Pagbabago (HNP) shares the same vision of a strong Republic through the sustainable economic growth and development of the regions,” saad ng resolusyon.

Ang alyansa ang magsisilbi umanong bigkis sa dalawang partido na suportahan kung sinuman ang kanilang mapipiling kandidato.

“If Mayor Sara Duterte decides to seek higher office for 2022, we are ready to work for her victory in the coming election,” sabi ni Romualdez.

Nanawagan din si Romualdez sa ibang partido na sumali na sa alyansa.

Ang Lakas-CMD at HNP ay unang nag-alyansa noong Nobyembre 2018 para sa 2019 senatorial at local election.

“The 2022 election will see both parties working together once more for the common good but this time, hopefully, with more political parties on board,” dagdag pa ni Romualdez. “May this new coalition usher in a new era of national unity, which we badly need to bounce back from the ravages wrought by the pandemic.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?