101

Oct 11, 2021 @ 18:47
By

Lakas-CMD abangers kay Mayor Sara

Kinumpirma ng isang opisyal ng Lakas-Christian Muslim Democrats ngayong Lunes na naghain ang kanilang partido ng certificate of candidacy (COC) para sa pagkapangulo at bise presidente.

Pag-amin ni Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay, secretary general ng Lakas-CMD ang paghahain ng COC ay paghahanda kung sakaling mayroong tatakbo sa ilalim ng partido.

Inamin ni Pichay na umaasa ang Lakas-CMD na magbabago pa ang isip ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte at sasali ito sa presidential elections.

“In fact, we’re hoping that she would change her mind and run for president,” wika pa ni Pichay.

Dagdag pa ni Pichay, ang pinal na listahan ng mga kandidato ay lalabas matapos ang deadline ng substitution sa Nobyembre 15.

“After November 15 alam na natin talaga kung sino ‘yung seryoso na players then the party will convene and decide who to support,” dagdag pa ng solon.

Noong Oktobre 8 ay naghain si Anna Velasco ng COC sa pagkapangulo at si Lyle Uy para sa pagka-bise presidente sa ilalim ng Lakas-CMD.

Ayon pa kay Pichay, mayroong informal alliance ang Lakas-CMD at regional party na Hugpong Ng Pagbabago (HNP) na pinamumunuan ni Mayor Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?