22

Sep 9, 2021 @ 12:59
By

Lakad matatag! Esports medal event na sa Asian Games

Isa ng opisyal na medal event ang esports sa darating na 19th Asian Games na gaganapin sa Hangzhou, China sa susunod na taon.

Ayon sa Olympic Council of Asia (OCA), ang mga esports na kasama sa palaro ay ang Dota 2, League of Legends, PUBG Mobile Asian version, Arena of Valor Asian version, Street Fighter V, Hearthstone, EA Sports FIFA at Dream of Three Kingdoms 2.

“We hope that this announcement allows all participating teams ample time to prepare and equip themselves ahead of the qualifying stages. I believe we have ticked all the right boxes ensuring a high level of competition which promises great viewing for enthusiasts and casuals alike,” pahayag ni OCA Director General Husain Al-Musallam.

“We at the OCA are looking forward to working closely with our friends at the Asian Electronic Sports Federation and the Hangzhou Asian Games Organising Committee to ensure a successful execution of the esports event at the 2022 Asian Games,” dagdag pa nito.

Isinama na rin ang esports sa 2018 Asian Games sa Jakarta ngunit bilang demonstration event.

Samantala, noong 2019 Southeast Asian Games naman na ginanap sa Pilipinas ay naging medal event din ang esports.

Ang mga esports na nilaro sa SEA Games sa Pilipinas ay Dota 2, Starcraft II, Hearthstone, Tekken 7, Mobile Legends: Bang Bang at Arena of Valor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?