18

Jun 15, 2020 @ 14:40
By

Lahat ng Pinoy sa Japan COVID survivor na

Ayon kay Philippine Ambassador to Tokyo Jose Laurel V, gumaling na ang lahat ng mga COVID-19 positive na Pinoy sa Japan.

“Only a few (Filipino nationals) were affected based on the record we received. There were no fatalities. All have recovered,” wika ni Laurel sa Laging Handa briefing, Lunes.

Kabilang sa mga gumaling ang 21 Pinoy land-based worker sa Osaka, 6 sa Tokyo, at 1 sa Nagoya.

Naka-recover at nakabalik-‘Pinas na rin ang pinagsamang 121 Pinoy crew members ng Diamond Princess cruise ship sa Yokohama at Costa Atlantica cruise ship sa Osaka.

Samantala, 126 Pinoy naman aniya ang na-stranded sa Japan at naghihintay na lang na makabalik sa Pilipinas. Meron ditong mga mag-aaral, turista, at trainee na naipit sa travel restrictions ng parehong bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?