19

Dec 21, 2020 @ 20:39

Lahat ng paputok bawal na sa Metro Manila – NCRPO

Sumang-ayon ang mga mayor sa Metro Manila na i-ban ang paggamit at pagbebenta ng lahat ng uri ng paputok ngayong holiday season, ayon sa hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sabi ni NCRPO Director Brig. Gen. Vicente Danao Jr., batay sa inilabas na Resolution No. 19 ng mga Metro Manila mayor, nagkasundo ang mga ito sa pagpapatupad sa total ban ng mga paputok sa buong National Capital Region (NCR).

“The Resolution No. 19 by all Metro Manila mayors po ay unanimously agreed na the total ban po of firecrackers sa buong Kamaynilaan, sa buong NCR po. So bawal na po, any kind of firecrackers ay bawal na pong gamitin, ibenta dito po sa loob ng Metro Manila,” ani Danao sa panayam sa Teleradyo nitong Lunes.

“It was unanimously agreed by all Metro Manila mayors through Resolution No. 19 so mag-uumpisa po ‘yan anytime today,” dagdag niya. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?