41

Jul 21, 2021 @ 15:39
By

Lahat ng Antetokounmpo sa NBA, champion na!

Nakasungkit ng kakaibang record ang angkan ng Antetokounmpo matapos magkampeon ng Milwaukee Bucks sa 2021 NBA season.

Ito’y dahil ang tatlong magkakapatid na Antetokounmpo na nakatungtong sa NBA ay nakasungkit na ng championship ring.

Sa bubble season noong 2020, nakuha ni Kostas Antetokounmpo ang kampeonato kasama ang Los Angeles Lakers.

Ngayon naman ay sina Giannis at Thanasis ang nag-uwi ng trophy para sa Bucks.

Sa panayam kay Giannis matapos sa kanyang igawad ang Finals MVP trophy, napasigaw ito nang sabihin sa kanya na kampeon na silang tatlong magkakapatid sa NBA.

“A lot of people were making jokes when Kostas won his ring with the Lakers. It was a little awkward at the dinner table because Kostas got his ring before me,” sambit ni ‘Greek Freak’.

“Now me and Thanasis have a ring too, so we fu*king happy.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?