43

Jan 12, 2022 @ 17:00
By

Lahat gagawin: Xian nabasa dahil kay Kim

Lahat ay gagawin ni Xian Lim makapag-post lang si Kim Chui ng magandang kuha sa social media.

Sa Instagram post ni Kim, makikitang masaya siyang nagtatampisaw sa ulan habang papalapit siya sa dagat.

Tila mala-pelikula pa ang kuha sa aktres base sa anggulo, pagkaka-edit, at sa music na ginamit.

Hindi naman maikakaila na na-enjoy ni Kim ang paliligo sa ulan. Ngunit sa likod ng camera, hindi mapigilan ni Xian ang magreklamo dahil basang-basa na ito sa ulan.

Siya kasi ang kumukuha ng video para lang ma-post ng nobya sa Instagram reel.

“Behind every dreamy video is…… WAIT FOR IT! Watch till the end!!!!! BTS included!!! Always thankful for you @xianlimm. Hahaha lakas ng ulan at hangin! #fortherreels,” caption ng aktres sa Instagram.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?