52

Oct 31, 2020 @ 20:00
By

Lahar mula Mayon, Taal, Pinatubo raragasa

Bukod sa banta ng pagbaha at landslide, pinaghahanda din ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga residente na naninirahan sa 3 aktibong bulkan laban sa pagragasa ng lahar kasunud ng inaasahang pag-uulan na dala ng Bagyong Rolly.

“Due to its (Rolly) trajectory, current severe intensity and potentially high-volume rainfall, Rolly can be expected to generate volcanic sediment flows or lahars, muddy streamflows or muddy run-off in rivers and drainage areas on the monitored active volcanoes of Mayon, Pinatubo and Taal,” ayon sa Philvolcs.

Pinaghahanda ng Phivolcs ang mga residente at ang Local Government Units(LGUs) sa posibilidad ng paglikas sa oras na rumagasa ang lahar.

“DOST-PHIVOLCS thus strongly recommends increased vigilance and readiness of communities in pre-determined zones of lahar and related hazards on these volcanoes,” dagdag pa ng Phivolcs.

Ang pag- agos ng lahar sa Mt Mayon ay maari umanong dumaaan sa Miisi,Binaan,Anoling,Quirangay,Maninila,Masarawag,Muladbucad

Nasisi,Mabinit,Matan-ag at Basud.

Samantala ang Mt. Pinatubo Lahar ay maaaring umagos sa Sto. Tomas-Marella at Bucao River systems at dadaan sa San Marcelino, San Narciso,San Felipe,Botolan sa Zambales.

Habang sa Taal Volcano, ang lahar ay maaaring umagos sa Agoncillo at Laurel. (Tina Mendoza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,